Naranasan mo na bang magmahal, magmahal ng totoo na akala mo siya na, magmahal na akala mo siya lang ang taong mamahalin mo habambuhay at wala ng iba? Eh, ang masaktan? Masaktan ng sobra na parang nag-iisa ka lang sa mundo, Walang nakakaintindi, Walang makausap, Walang nagtatanong kung ayos ka lang ba? AKO, OO NARANASAN KO NA LAHAT YAN! :(
First year High School kami noon ng nakilala ko siya. Nung una, ayoko sa kanya. Masungit, isnabera, basta ayoko sa kanya!! Pero first impression lang pala yun. Nung lubusan ko siyang nakilala, mabait naman pala siya, masayahin, mapagbiro, actually, naging crush ko pa nga siya eh. Dahil sa crush ko siya at gusto ko siya maging close, kinaibigan ko siya, nakapalagayan ng loob, nakatext, nakabiruan, nakatawanan, at naging BEST FRIEND pa! (Oha! :D) Sobrang naging close kami. Nagsishare ng problems sa isa’t-isa, nagdadamayan, nagmamahalan? :”> :)), etc. Second year na kami, may lalaking umaaligid-aligid sa kanya, manliligaw niya. (HMP!!) May iba na kong nararamdaman, “Selos” yata tawag doon? :/ :)) Hindi ko alam kung selos bilang isang bestfriend o selos bilang isang GUSTO DING MANLIGAW :)) Hmm.. Matagal kong pinag-isipan yung nararamdaman ko para sa kanya. Nag-uusap kami tungkol sa ideal man niya at ako naman sa ideal woman ko. Hindi ko talaga ma-figure out kung ano na ba ang tingin ko sa kanya. At noong Fourth Year na kami, nahuhulog na pala ko sa kanya. Dahil nga sa kabaitan niya, pag-aalala, pagpapahalaga, at sa pagmamahal niya sakin na di ko nararamdaman sa iba. Sa una, pinigilan ko yung nararamdaman ko sa kanya dahil sa ayokong masira ang magandang pagkakaibigan namin. Pero di ko kinaya, feeling ko sasabog na ko. Hanggang sa BOOM!!! Inamin ko sa kanyang ‘MAHAL KO NA SIYA’. Di siya naniniwala, akala niya biro lang. Dahil sa desidido na kong maging BOYFRIEND niya at hindi na BEST FRIEND, niligawan ko siya. Advantage na din ng pagiging bestfriends namin, after a week naging kami. MASAYA. SOBRA. Feeling ko noon, sa twing magkasama kami nasa langit ako. Masarap sa pakiramdam, magaan, LANGIT TALAGA! :) Araw-araw kaming magkasama. Were inseparable sabi nga nila. Halos lagi kaming magkasama. Magkasabay kumain. Araw-araw harutan, kulitan, lambingan, at pag uwian na, sabay kaming uuwi, HHWW, HHW in jeepney, hatid sa bahay nila. Pag kauwi sa bahay, magkatext, magkausap sa phone every second, every minute, every day. (OA noh? :D) Parang Typical Lovers lang.
Pero hindi sa lahat ng oras masaya, unfortunately, wala pa kaming one month nun, nagkakatampuhan kami, napapadalas. Pero pilit naming inaayos, heart-to-heart talk, lahat ginagawa ko wag lang niya ko iwan. Naayos naman nagtuloy-tuloy hanggang one month. Pero feeling ko nawawala na yung pagmamahal niya sakin, hindi ko alam kung bakit. Sabi nila MAY MAHAL NA DAW IBA. Pero di ako naniniwala kasi MAHAL NA MAHAL KO SIYA AT SIYA LANG ANG PINAKIKINGGAN KO. Bulag, Pipi at Bingi ako that time. Pero meron na nga siyang ibang kinahuhumalingan. Dumating yung time na nagkakasakitan na kami, di ko mapigilang di umiyak kahit sa loob ng klase, pag-uwi sa bahay, kasi di ko talaga matanggap na mawawala na yung taong sobra kong minamahal. Hangga’t sa nasira pag-aaral ko, bumaba grades ko. Then, nagdecide na lang siya na maghiwalay na lang kami for good. Pero ako, AYOKO. Sinusubukan kong ayusin hangga’t sa kayang ayusin, BUT looks like it’s too late. Di na niya ko talaga mahal. Di pa din ako naniniwala, hiniling kong sabihin niya sa harap ko na hindi niya na ko mahal. “Di na kita mahal” sabi niya. Nagdugo ang puso ko nun, natahimik. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa narinig ko. NAGHIWALAY KAMI. After a month, may nanligaw sa kanya. (YUN YUNG TAONG DAHILAN NG PAGKAWALA NG LOVE NIYA SAKIN). Naging sila. Eksena ko? Ayun, kulong sa kwarto, absent, di maka-kain, walang social life, ilang linggo din yun. Pero sa kadahilanang MAHAL NA MAHAL KO SIYA at kung katumbas nun ay ang palayain siya at iparaya sa iba, ginawa ko maging masaya lang siya. (Baduy! :D) Wala akong ibang ginawa, kundi, bumawi sa pag-aaral, binuhos ang pagmamahal sa pamilya at kaibigan. Kahit na masakit sakin na nakikita ko sila palagi na naglalambingan at masaya, ginawa ko pa din ang lahat ng makakaya ko para maging masaya, for my own sake.
After a year, BITTER PA DIN. 2009 yung kasagsagan ng LOVE TEAM namin noon =)))))))))))))), hanggang sa year 2010 mahal ko pa din siya, walang pinagbago. Pinutol ko na ang communication naming dalawa dahil ayokong makagulo sa kanila, ako na nagparaya, pero minahal ko pa din siya. ONE-SIDED LOVE ang eksena ko noon. :’( HAHA. College na ako, siya pa din ang laman ng puso’t isipan ko. Tuwing gabi hirap makatulog kakaisip kung masaya ba siya kahit na alam ko na ang sagot na MASAYA SILA habang ako nag-iisa. (TANGA KASI!)
**Nung time na pakiramdam ko na OKAY na ko, MOVED ON na. Nagparamdam siya. Nagtext! Tutoot! “Break na kami.” sabi niya. UMASA NA NAMAN AKO! Umasa na mamahalin niya ulit. Lahat ginawa ko to win her heart. Dinamayan ko, Naging ‘Knight in Shining Armor’, ‘Shoulder to Lean On’, Shock Absorber. Pero wala eh. wala akong napala. Mahal pa din niya eh. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, dahil ayoko siyang malungkot at nasasaktan, naging tulay na lang ako para magka-ayos sila (SOBRANG MARTYR KO!) Ayun, naging sila ulit. habang ako nag-iisa, nangungulila, dadaan ulit sa process of moving on and art of letting go. MagMOVE ON? Di ko kaya! Pero kinaya ko! Kailangan eh! 2011 na, medyo nakakalimutan ko na naman siya pero di pa din mawala sa isipan ko. Itinuon ko sa pag-aaral, okay na ko sa CRUSH-CRUSH, FLING-FLING na lang =)) As of January 2011, FULLY-RECOVEREDna ko pero di pa kayang magmahal ulit, MASYADO PA KONG BATA PARA DIYAN. :))))))))))) tsaka DAHIL dala na eh, takot ng masaktan! Hanggang sa ngayon na naging masaya na ulit ako kahit mag-isa. Natanggap na! YES!!! :)
MASARAP magmahal at ang mahalin, syempre! Pero sa pagmamahal, kasama ang salitang “MASASAKTAN”. Kahit magmahal ka man ng totoo at tapat. Masasaktan at masasaktan ka pa din. Yun ang “Pagmamahal” eh. (Package deal yun! ;D) MASAYA PERO NAKAKAMATAY! Minsan bibiruin tayo ng tadhana, akala natin siya na, akala natin wala ng ibang pwedeng mahalin. Sa pagmamahal dapat handa tayong masaktan. Dapat maging matapang, Ako, kahit na sinaktan ako ng taong minahal ko ng totoo, iniisip ko na lang yung mga magagandang bagay na nangyari samin. Pinatawad ko na siya. Ito lang ang mga natutunan ko. HINDI TAYO DAPAT MAGMADALI. Darating at darating din ang taong magmamahal satin at hindi tayo iiwan. Sa bawat pagkadapa dapat matuto tayong bumangon. Harapin ang consequences ng pagmamahal. Kahit gaano kasakit ang dinadanas natin sa pagmamahal, wag tayong magsawang magmahal. BECAUSE LOVE IS THE ONLY BEAUTIFUL THING IN THIS WORLD! Amen? ;)